Kamusta na? Nandyan ka pa ba? Wala na yatang ibang magagawa kundi tumawa. Andyan pa ba mga alaala? Ang tanging bagay na naiwan sating dalawa.

 

May 14, 2014

Hindi ko alam bakit napakamadugo nitong araw na’to. Ang dami kong naisip. Ang dami ko ring pinilit isipin. Pagod pa.

 

Napagtanto ko kasi, ang lungkot lang. Isipin niyo, nage-exam kayo sa Math. Tapos yung isang item na pinapa-solve, may radicals tas may complex fraction tas may iba’t ibang expression na kelangang i-factor o kelangang i-rationalize. Tapos may complex numbers pa. Sa huli, ang sagot lang pala ay 1.

 

Tama sana yung sagot mo, pero nagkamali ka sa sign.

Naging -1.

 

Tapos, yung prof mo, ang chinecheck lang, final answers.

So dahil sa isang sign, nagkamali ka. Nawala lahat ng sanang 12 points mo.

 

*Hindi ganto prof ko*

Ang punto ko dito, diba masakit yun?

 

Lahat naman, ginawa mo. Piniga mo lahat ng kaya mong ipiga. Pinagod mo kamay mo, at utak mo.

Tapos isang mali mo lang, wala na lahat.

 

Isang. Mali.

Wala. Na. Lahat.

 

Hindi ko alam kung bakit ko ‘to naiisip. Hindi naman ganto yung nangyayari. Hindi pa. Sana hindi. Pero nakakatakot kasing isipin na may posibilidad na ganyan yung mangyari. Sana lang hindi.

 

Sana kayang tignan ng mga tao yung pinilit nating gawin para makasagot. Para maayos lahat. Hindi lang yung pagkakamali natin.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s