My seas are not calm enough.

Sobrang halohalong emotions, pare. Di ko na kaya. Gusto ko nalang umiyak.  It’s just a long day. Sobrang feeling ko nakumpleto ko lahat ng feelings na pwede kong mafeel. Ano ba ‘to. Please, ano ba ‘to. Ayoko na. Joke. 

Kaninang umaga, tamad na tamad ako. Seryoso. Tipong gusto kong matulog. Diba sabi ko nga sa tweets ko, “I actually plan to play dead” seryoso yun. Just lie down, sleep, procrastinate, wonder why life is like this. Ganon. Tas nagtext si Mama, magmo-MoA daw, kahit ayoko, gora lang. At mabuti gumora. 

Mga 3 ata, umalis na kami. Ako may errands na mga ginawa. So mej nag-ikot na ‘ko ganon. May hinanap akong pabango sa depstore. Di ko naman nakita. Huhu. Tas binalikan ko sina Mami. kumain ng donut. Tas errands again~ 

Then National. Ako lang yun. Nag-enjoy ako seryoso. Ang dami ko ngang nabasa eh. Na funny, or tagos, or sakto, lahat. Nakakasakit. Funny nga eh. Kase.. basta. Naumay ako. And it rained. 

Tas mej napaikot kase di ko makita sina Mama. Mga 5 30 something na yun. Eh mej onti palang tao na nagaabang kay Kobe Bryant, so naki-abang na rin ako. Tas matagal na hintayan. Tas nakita ko sya. Huhu, natutuwa ako masyado. Hehe. 

Tas nagdinner kaming family. MannHann. Na masaya ako talaga kase ngayon na nga lang ulit kami nakalabas  ng kumpleto kami. Nakagala. Ganon. Tas nagJamba Juice. Binilhan ako ng Daddy ng damit. Huhu, not sure when to wear it. Kase ang funny nung nakalagay. 

Tas umuwi.

Nairita ako kase.. ano ba naman yung hihingi ka ng onting oras na makausap. Ewan ko. Oo, ang arte. Pero nakakainis kase. Gets ko sana kung wala nang gagawin e. E alam kong meron. And the fact na naalala ko pa rin yung other day na sobrang up to now nasasaktan ako pag naalala ko kase narinig ko pa yung You Didn’t Tell Me kanina. Diba. Alam kong tama yung vibes ko. Tas may bumulong pa sa tenga ko, “If he doesn’t make you feel beautiful and good about yourself, then it’s not worth staying.”  Nainis talaga ako. Seryoso. I felt like “ayoko makipag usap sayo kaya good night na” Sorry ang arte neto. And this might not be it, pero this is what it looks like. Sorry sa kausap mong iba diba? Sorry.

Tapos, a few minutes habang nagre-rage ako sa inis at habang naiiyak ako kase nakakainis naman talaga, may lumabas na tweets about Sir Aragon. Wala na raw sya. Di ko pa sya nagiging prof, but I knew him. I knew him dahil  nung Bonifacio@150, speaker sya at mej kami yung assistant nya. Pinagalitan nya ko ng very light pero alam kong di ako nainis sakanya. Kasi isa sya dun sa mga taong unang tingin mo palang, alam mong worth to be in your life na. 

11:30 na. And may class ako bukas. Hanggang 7. At bukas ang alis ng international. And naaalala kong nagkausap kami ni Jek at nabanggit na magkikita dapat kami ngayon. But no. Ang sakit. Nalulungkot ako dahil dun.

Halo-halong emotions, please. Gusto kong umiyak. Gusto kong tumawa. Gusto kong ilubog yung mukha ko sa unan kase alam kong babaha. Please. Yung kaluluwa ko, hindi kalmado. 

Something’s wrong. 

And here I go again with the “I’m worthless” feeling. Ang naiisip ko nanaman, wala nakong ibubuga. Gusto ko nanaman magsulat or gumawa ng note/letter. Eto nanaman ako. Ano ba. Tama na. 

Goodnight.

Well it’s not a good night.

But I have to sleep. Naiiyak nako sa sama ng loob. 

And I remember a few lines from the books I read.

“It’s not working out kase one loves too much, and the other one loves too many.”

Lastly, “Too attached to let go, too hurt to stay.” 

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s